Pakiusap sa Pagbabayad
【Paunawa sa Pagpapahinto ng Serbisyo Para sa Parehong Pangalan】

Maraming salamat sa paggamit ng serbisyo ng aming kumpanya.

Ipinaaalam namin na hindi matiyak ang kabayaran para sa paggamit ng isa pa ninyong nakakontratang serbisyo.

Mangyaring tingnan ang ipinadalang postcard para sa paalala at agarang magbayad sa bangko gamit ang form para sa pagbabayad.

Kapag hindi matiyak ang bayad sa itinakdang palugit, tandaan na mahihinto ang lahat ng serbisyo na nakakontrata sa aming kumpanya base sa nakalagay sa kasunduan.

Ipagwalang-bahala ang paunawang ito kung nakabayad na.

Paunawa

Tungkol sa Pagbabayad

  • Gamitin ang form para sa pagbabayad sa bangko na ipinadala sa inyo.
  • Tumawag sa numero na nasa ibaba kung hindi ninyo natanggap ang form para sa pagbabayad sa bangko.

Iba Pa

  • Kapag nahinto ang serbisyo at ang pagbabayad ay isinagawa pagkatapos ng alas-9 ng gabi, ang serbisyo ay maaaring maibalik kinabukasan ng umaga.
  • Magkakaroon pa rin ng bayarin sa mga basic at opsyonal na serbisyo kahit na ang serbisyo ay nakahinto.
  • Kapag patuloy pa rin na hindi matiyak ang inyong bayad matapos ihinto ang mga ginagamit na serbisyo, tandaan na kakanselahin ang inyong kontrata.
  • Ang serbisyo ng au Denki ay hindi mahihinto kasabay ng serbisyo ng komunikasyon ngunit ito ay kakanselahin at ititigil ang suplay kapag patuloy na hindi matiyak ang inyong bayad.

Para sa Katanungan

Oras ng Pagtanggap 9:00 hanggang 17:00(Maliban sa katapusan at simula ng taon)

◆Mula sa ibang telepono 0120-925-487
◆Mula sa nakasuspinde na telepono ng au (diretsong tawag) 151

◆Mula sa ibang telepono 0120-925-487
◆Mula sa nakasuspinde na telepono ng au (diretsong tawag) 151